HUMIRIT ng dagdag na panahon sa Department of Justice si Senator Villanueva para makapagsumite siya ng counter-affidavit sa kinakaharap na reklamong malversation kaugnay ng umano ay “ghost” flood control projects sa Bulacan.
Ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez naghain ng motion for extension ang kampo ni Villanueva.
ALSO READ:
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
Coast guard, ginunita ang ika-200 araw ng paghahanap sa “missing sabungeros”
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
Binigyan naman ang senador ng hanggang January 26 para maisumite ang kaniyang kontra salaysay.
Si Villanueva ay respondent sa tatlo sa anim na reklamong malversation na nakasampa sa DOJ.
Sinabi ni Martinez na nagpapatuloy ang preliminary investigation ng DOJ sa nasabing mga reklamo.
