NAGTAPOS ang unang three-way Peace Talks sa pagitan ng Russia, Ukraine, at US sa Abu Dhabi, nang tila walang kinahantungan, sa gitna ng umiigting na sagupaan.
Dahil dito, inihayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang posibilidad na magkaroon ng second meeting, ngayong Linggo.
ALSO READ:
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Iran, ipinagpaliban ang funeral ceremony para sa nasawing supreme leader dahil sa patuloy na pambobomba sa bansa
US, magpapadala ng mga eroplano para i-evacuate ang kanilang mamamayan mula sa Middle East
Habang ayon sa isang American official, maaring simulan ang bagong round ng usapang pangkapayapaan sa Feb. 1.
Nagwakas ang dalawang araw na Peace Talks, kasunod ng serye ng Russian airstrikes target ang energy infrastructure ng Ukraine, na ikinasawi ng isa katao at ikinasugat ng tatlumpu’t limang iba pa.
