DEADMA lang si Vice President Sara Duterte kaugnay sa inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Hindi nagbigay ng reaksyon ang bise presidente at sa halip ay sinabing hihintayin na lamang niya ang mga susunod na araw bago magbigay ng reaksyon.
ALSO READ:
Magugunitang inihain ang impeachment complaint laban kay PBBM sa Kamara.
Samantala sinabi ni VP Sara na inaasahan na niya ang muling pagsasampa ng impeachment complaint laban sa kaniya sa Pebrero.
Inilarawan ito ng bise presidente na “fundraising” effort sa panig ng mga mambabatas.




