IPINATAPON palabas ng bansa ng Bureau of Immigration ang labingpitong puganteng Taiwanese na sangkot sa large-scale online scam sa kanilang bansa.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, isinailalim na din sa blacklist ang labingpitong dayuhan at hindi na sila papayagang pumasok muli sa bansa.
Ang mga nabanggit na dayuhan ay nadakip sa operasyon na ikinasa noong May 2025 kung saan huli sila sa akto na nagpapatakbo ng online finance scam hub.
Tiniyak naman ni Viado ang patuloy na pagtugis sa mga dayuhan sa bansa na sangkot sa ilegal na aktibidad.




