Nakumpiska ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) katuwang ang Bureau of Customs ang 40-foot container trucks na naglalaman ng mga puslit na agricultural products.
Ayon kay SBMA Chairman and Administrator Jonathan Tan, ang siyam na containers ay dumating sa Subic noong November 3.
Idineklarang naglalaman ang mga ito ng frozen lobster balls na naka-consigne sa Rianne Food Products.
Gayunman, nang isailalim sa inspeksyon, natuklasan na naglalaman ang mga container ng patatas, carrots, radish, at broccoli.