Arestado ang siyam na Chinese nationals sa operasyon ng Philippine offshore gaming operator (Pogo) sa Cebu.
Ayon sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), sinalakay ang scam hub sa Alang-alang, Mandaue City makaraang mailigtas ang isang Pinay mula sa nasabing pasilidad.
17.8-Billion Peso Flood Control Projects, isiningit sa Budget ng Oriental Mindoro simula 2022 hanggang 2025, ayon sa gobernador
Mas matibay na Panguil Bay Bridge tiniyak ng DPWH
P500K reward alok sa magbibigay impormasyon sa anomalya sa Cebu flood control
2y/o na bata sa Cagayan inoperahan sa puso; walang binayaran dahil sa Zero Billing Program
Ang babaeng biktima at isa pang Pinoy na nagtatrabaho sa pasilidad ay pinwersa umanong manatili sa loob ng opisina ng labag sa kanilang kalooban kung saan pinilit silang magtrabaho sa scam hub.
Ayon sa CIDG lahat ng nadakip na Chinese ay walang naipakitang pasaporte at balidong dokumento ng pannaatili nila o pagtatrabaho nila sa bansa.
Natagpuan din sa hub ang dalawampu’t isang (21) desktop computers, apatnapung (40) cellular phones, isang (1) tablet at iba pang kagamitan na dadalhin sa Anti-Cybercrime Group para sa forensic examination.