APAT na jail officers ang ginawaran ng parangal dahil sa kanilang katapangan kasunod ng ambush habang ibina-biyahe ang isang Chinese inmate patungong Parañaque City noong April 7.
Sinabi ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Ruel Rivera, na pinagkalooban ng apat na personnel ng Medalya ng Sugatang Magiting at Medalya ng Kagalingan.
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Aniya, ang kanilang mabilis at mahusay na tugon ay sumasalamin ng kanilang katapangan, propesyonalismo at tunay na serbisyo-publiko.
Ibina-biyahe ng jail officers ang trenta’y siyete anyos na Person Deprived of Liberty na si Hu Yang patungo sa pasilidad nito sa Barangay La Huerta sa Parañaque matapos ang hearing sa Makati City nang dalawang sasakyan ang humarang sa kanilang daan at pinaulanan sila ng bala.
Nakipagpalitan ng putok ang jail officers sa tulong ng Parañaque police hanggang sa sumalpok sa puno ang isa sa mga sasakyan ng mga suspek.
Anim na suspek ang naaresto habang isa sa mga jail officer ang tinamaan ng bala sa balikat, at naibalik sa kulungan ang PDL.