PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang mga residente na apektado ng pagputok ng Kanlaon Volcano kamakailan na magsuot ng face masks at safety goggles upang protektahan ang kanilang mga sarili mula sa health risks na dala ng ashfall.
Sinabi ni DOH Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, na ang ideal face mask para maprotektahan ang baga mula sa mga pino at maliliit na particles mula sa asfhall ay N95, subalit maari namang gumamit ng alternatibo ang mga residente.
Aniya, maari naman ang medical mask o kung walang mask ay pwede na ang kahit anong tela basta basain ng kaunti ng malinis na tubig at itakip sa ilong at bibig.
Para naman sa proteksyon sa mata, kung walang goggles ay maari naman ang salamin, at isara ang mga bintana at pintuan at lagyan ng ng tela ang mga siwang upang hindi pumasok ang abo sa bahay.