Ipinagdiriwang ng Calbayog City Police Station sa pamumuno ni Police Lt. Col. Joy Leanza bilang Officer-In-Charge, ang ika-dalawampu’t siyam (29th) na National Crime Prevention Week.
Layunin ng selebrasyon na palakasin ang kamalayan ng komunidad at ipabatid ang kahalagahan ng paglaban sa kriminalidad at isulong ang interes at partisipasyon ng publiko.
Hinihikayat din nito ang lahat ng ahensya ng gobyerno na makilahok at magpatupad ng mga proyekto at aktibidad na nakatutok sa pagsugpo sa mga krimen.