Bumaba ng 6.96 percent ang Gross Borrowings ng National Government noong Agosto.
Sa tala ng Bureau of Treasury (BTR), bumagsak sa 124.056 billion pesos ang inutang ng bansa noong ikawalong buwan kumpara sa 133.338 billion pesos noong August 2022.
Lumiit din ng 5.97 percent ang gross borrowings mula sa 131.937 billion noong Hulyo.
Noong Agosto ay halos lahat o 94.6 percent ng inutang ng pamahalaan ay mula sa domestic lenders.