7 July 2024
Calbayog City
Local

Kandidato pagka-punong barangay pinagbabaril, patay sa Sta. Margarita, Samar

KANDIDATO PAGKA-PUNONG BARANGAY PINAGBABARIL, PATAY SA STA. MARGARITA, SAMAR

Kalunos-lunos ang sinapit ng mag asawa ng pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan ang kanilang bahay dakong 5:00 ng madaling araw sa Brgy. Campeig, Sta. Margarita, Samar noong Setyembre 6, 2023.

Nakilala ang mga biktima na sina Vivian Verano, (49) apatnapu’t siyam na taong gulang aspiranteng kandidato ng Punong Barangay at asawa nito na su Ruel Casaljay (39) tatlongpu’t siyam na taong gulang, magsasaka at kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Sa ulat ng PNP Sta. Margarita MPS ang mga biktima ay natutulog sa kanilang bahay nang hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan ang walang habas na pinagbabaril ang bahay ng mag asawa. Dahil sa tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng kanilang agarang pagkamatay.

Samantala, prinoseso ng Calbayog City Forensic Team ang pinangyarihan ng krimen at nakarekober ng ilang basyo ng 7.62 MM, 5.56MM, at kalibre 45.

Narekober din ang isang kalibre. 45 pistol na may isang pirasong bala sa chamber at 6 na bala sa magazine nito.

Ayon kay PLT ELBEST TAPING ginagawa ng Sta. Margarita MPS ang lahat ng pagsisikap upang tignan ang lahat ng posibleng anggulo para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek. Nakikipagtulungan na rin sila sa ibang unit at sa tulong ng komunidad para maihanda ang kaukulang kaso ng pagpatay laban sa mga salarin.

miriam timan
Currently the President of Kabalikat Civicom 427, Calbayog Chapter. She used to be a volunteer of Eagle News Network based in Metro Manila and is now the Correspondent-at-large of Infinite Radio

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *