PITUMPU’T limang porsyento ng mga Pilipino ang mas gusto ng mga kandidatong naniniwala na dapat isulong ng Pilipinas ang karapatan laban sa agresibong mga hakbang ng China sa West Philippine Sea, batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa April 11-14 survey na nilahukan ng 1,800 respondents at kinomisyon ng Stratbase group, bumaba ng tatlong porsyento ang mga Pinoy na pabor sa mga kandidatong nagsusulong para sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
ALSO READ:
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Kumpara ito sa 78 percent na nakuha mula sa survey na isinagawa noong Pebrero.
Samantala, ang mga Pinoy naman na mas gusto ng mga kandidatong hindi naniniwala na dapat igiit ng Pilipinas ang karapatan laban sa China ay lumobo sa 25 percent mula sa 22 percent.
