KINASUHAN na ng Canadian prosecutors ng murder ang trenta anyos na residente ng Vancouver bunsod ng pagpatay sa labing isa katao, matapos araruhin ng minamaneho nitong SUV ang Filipino Community Festival sa Western Canadian City.
Ayon sa mga awtoridad, ang mga nasawi ay nasa pagitan ng limang taong gulang hanggang animnapu’t limang taong gulang.
ALSO READ:
DILG, iniutos ang maagang paghahanda sa Super Typhoon “Uwan”
DOH, nagtaas ng Code Blue Alert kasunod ng deklarasyon ng State of National Calamity
760 million pesos na Cash Aid, ipinagkaloob ng Office of the President sa mga biktima ng Bagyong Tino
State of National Calamity, idineklara ni Pang. Marcos dahil sa pinsala ng Bagyong Tino at sa papasok na Super Typhoon Uwan
Sa post sa X ng Vancouver police, si Kai-Ji Adam Lo ay sinampahan ng prosecutors sa British Columbia ng 8 counts of second-degree murder at may iba pang kaso ang inaasahang ihahain laban sa kanya.
Humarap si Lo sa korte, ilang oras matapos itong arestuhin ng mga police sa pinangyarihan ng insidente noong Linggo.
