7 July 2025
Calbayog City
Local

7 pulis na dawit sa pamamaril kay Kerwin Espinosa, nahaharap sa mga kasong administratibo

INIHAHANDA na ang mga kasong administratibo laban sa pitong pulis na ikinu-konsiderang “persons of interest” sa pamamaril sa self-confessed drug lord at Albuera, Leyte Mayoralty Candidate na si Kerwin Espinosa noong April 10.

Sinabi ni Colonel Dionisio Apas Jr., Leyte Provincial Police Director, na inaasahang mareresolba nang mas maaga ang administrative charges kumpara sa criminal cases.

Sa panayam, inihayag ni Apas na binigyang diin sa kanilang isinagawang command conference na dapat ding sampahan ang mga sangkot na pulis ng administrative charges, at kapag napatunayang nagkasala, ay marapat lamang na sibakin siya sa serbisyo.

April 14 nang ihain ng Leyte Police ang kasong illegal possession of firearms at paglabag sa COMELEC Gun Ban laban sa pitong Police Officers sa Leyte Provincial Prosecutor’s Office.

Ito’y makaraang isuko ng mga inarestong pulis ang siyam mula sa labing apat na armas, na dalawandaang metro lamang ang layo mula sa crime scene nang mangyari ang pamamaril.

Nadiskubre na hindi rehistrado at walang proper documentation ang mga baril.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).