24 June 2025
Calbayog City
National

PNP, nakapagtala ng 53 insidente sa nakalipas na Semana Santa

LIMAMPU’T tatlong insidente ng pagkalunod, vehicular accidents, sunog, at iba pang krimen ang naitala ng pnp sa paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay pnp Public Information Office Chief Police Colonel Randulf Tuaño, “generally peaceful” ang Holy Week 2025.

Mas mababa rin aniya ang na-monitor na mga insidente ngayong taon, kumpara noong nakaraang taon.

Gayunman, sa kabila nang paulit-ulit na paalala sa publiko, pinakamataas pa rin ang insidente ng pagkalunod na nasa tatlumpu’t isa.

Batay sa tala, labinlima ang nasawi bunsod ng pagkalunod, simula April 13 hanggang 18.

Bukod sa drowning incidents, may limang vehicular accidents, isang robbery-holdup sa Region 10, at sunog sa Metro Manila, Region 8 at Region 9. Mayroon ding mga kaso ng acts of lasciviousness, stabbing, at small threats na naitala ang PNP.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).