20 May 2025
Calbayog City
National

COMELEC, iimbestigahan ang reports na may mga kandidatong lumabag sa Campaining Ban noong Huwebes Santo at Biyernes Santo

IIMBESTIGAHAN ng COMELEC ang reports na apat na kandidato umano ang lumabag sa Campaigning Ban noong Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na nakatanggap ang poll body ng maraming sumbong mula sa netizens noong semana santa hinggil sa mga kandidato na umano’y ginamit ang kwaresma para isulong ang kanilang kandidatura, sa kabila ng mga babala mula sa komisyon.

Idinagdag ni Garcia na maraming kandidato ang bumaling sa social media para maging visible pa rin kahit bawal ang mangampanya sa mga nabanggit na araw.

Samantala, inihayag din ng Poll Chief na iimbestigahan ngayong araw ang  umano’y vote-buying incident sa Quezon City.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).