PUMANAW na ang batikang direktor na si Mike De Leon sa edad na 78.
Sa Facebook post, kahapon, inihayag ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na nakikiisa sila sa pagluluksa ng buong Film Industry sa pagpanaw ng Visionary Filmmmaker.
Nagpaabot din ng mensahe si FDCP President Jose Javier Reyes at sinabing inialay ni Direk Mike ang buhay nito sa pelikula.
Ilan sa mga ginawang pelikula ni Direk Mike ang “Kisapmata,” “Batch ’81,” “Sister Stella l,” at marami pang iba.




