PINAIGTING ng Professional Regulation Commission (PRC) Regional Office sa Tacloban City ang kanilang koordinasyon sa professional organizations sa Eastern Visayas bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa mga pekeng propesyonal.
Sinabi ni PRC Regional Director Armond Englis na regular ang kanilang pakikipagpulong sa mga grupo ng professionals sa rehiyon para sa monitoring ng pag-iral ng bogus workers.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas press briefing sa lungsod, inihayag ni Englis na sa kabila ng kanilang limitasyon, ay ipinatutupad pa rin nila ang professional regulatory laws upang protektahan ang kalusugan, kapakanan, at kaligtasan ng publiko.
Nakipag-partner ang PRC Regional Office sa Tacloban City sa professional groups at sa National Bureau of Investigation, dahil tatlumpu’t pito lamang ang kanilang personnel.
