TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakahanda ang pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng libu-libong residente na apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Sa ambush interview sa Pulilan, Bulacan sa inagurasyon ng NLEX Candaba 3rd viaduct, sinabi ni Pangulong Marcos na nakahanda na rin ang Department of Budget and Management (DBM).
Nagtungo na rin aniya sa Negros si Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchian para personal na alamin ang kalagayan ng mga apektadong residente.
Namahagi na rin aniya ng food packs ang DSWD.
Ayon sa Office of Civil Defense, nasa 87,000 na residente ang ililikas dahil sa pagputok ng bulkan.