21 March 2025
Calbayog City
National

SRI ng mga Public School Teacher, itataas sa 20,000 pesos mula sa 18,000 pesos

IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaas ang Service Recognition Incentive (SRI) ng public school teachers sa P20,000 mula P18,000.

Inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Education (DepEd) na magtulungan para maibigay ang mas mataas na halaga ng SRI sa mga guro.

Ito ay bilang pagkilala aniya sa serbisyo na ibinibigay nila sa mga kabataang Pinoy.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), inaasahang aabot sa 1,011,800 na DepEd personnel ang makikinabang sa pagtataas ng SRI.

Ang SRI ay ang taunang incentive na ibinibigay sa mga government employees bilang pagkilala sa kanilang commitment at dedikasyon sa trabaho.

Nagpasalamat naman si Education Secretary Sonny Angara sa naging direktiba ng pangulo.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.