Ibinaba ng International Monetary Fund (IMF) ang kanilang growth forecast para sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2023.
Mula sa naunang projection na 6.2% sa july 2023 world economic outlook update, inaasahan ng IMF na babagal sa 5.3% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ngayong taon.
Matapos ang article 4 mission ng IMF ngayong 2023, sinabi ni Chief Shanaka Jayanath Peiris na ang tinapyasang outlook ay bunsod ng matamlay na economic performance noong second quarter.
Ang tinutukoy ni Peiris ay ang mabagal na second quarter GDP growth na naitala sa 4.3% mula sa 6.4% noong first quarter.