27 April 2025
Calbayog City
National

65 million pesos mula SHS Voucher Program sa tiwaling private schools, nabawi na ng DepEd

INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) na nabawi nila ang tinatayang 65 million pesos mula sa mga paaralan na pinuna dahil sa mga iregularidad sa Senior High School Voucher Program (SHS-VP) claims para sa school years 2021-2022 at 2022-2023.

Ayon sa DepEd, mula sa limampu’t apat na paaralan na inalis mula sa SHS-VP, kabuuang tatlumpu’t walo ang fully refunded na ng gobyerno habang dalawa ang nakapag-partial refund.

Samantala, labing apat na eskwelahan ang hindi pa nagsasauli ng pondo, kaya iisyuhan ang mga ito ng demand letters upang matiyak ang kanilang pagtalima.

Sa pakikipagtulungan ng Private Education Assistance Committee (PEAC), nagpatupad na ang DepEd ng mga hakbang upang mapagbuti ang kanilang oversight and accountability simula school year 2024-2025.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).