Sumuko na sa mga otoridad ang anim na pulis na sangkot sa pagpaslang kay Jemboy Baltazar sa Navotas City.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PMGEN Romeo Caramat, kusang loob na sumuko ang mga suspek sa opisina ng CIDG sa Quezon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Navotas Regional Trial Court Branch 286.
Sinabi ni Caramat na kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG Quezon sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City ang mga akusado at hindi maaaring makapag-piyansa. Ang naturang mga suspek ay dating personnel ng Navotas Police na nasibak sa pwesto matapos masangkot shooting incident na ikinamatay ng labimpitong (17) taong gulang na binatilyo.