Anim na magkakapamilya ang nasawi sa sunog na tumupok sa isang residential house sa Kalye Ramos Street, Brgy. Masalukot 1, Candelaria, Quezon ngayong Sabado ng madaling araw.
Ayon kay FO3 Melchor Macuha ng Candelaria BFP, ang nasawi ay ang 69- anyos na lola ng pamilya at ang kanyang limang apo na may mga edad na 21-anyos, 18, 16, 9-anyos na panay babae at isang batang lalaki na 10-anyos.