Kalunos lunos ang sinapit ng isang estudyante nang laslasin ang leeg nito habang natutulog sa bahay ng kaniyang guro kanina Setyembre 21, 2023 bandang 3:30 ng umaga sa Phase 2, Road 20, P6 Brgy. Rawis, Calbayog City, Samar.
Nakilala ang biktima na si Kenth Ashly Ferrer, lalake, labin’siyam (19) na taong gulang, nakatira sa Brgy Beloso, Almagro, Samar.
Sa inisyal na imbistigasyon na isinagawa ng mga otoridad, ang biktima ay bisita sa nasabing bahay ng kanyang guro na galing sila mula sa Seminar sa Catbalogan City. At dahil wala nang byahe patungo sa Munisipalidad ng Almagro kaya pinatulog na muna ng guro ang estudyante sa kaniyang bahay.
Natulog ang biktima sa sala malapit sa pintuan at habang natutulog bandang 3:30 ng madaling araw nagising na lang ang biktima ng gilitan ang kanyang leeg ng suspek.
![nilaslas, melvin campong](https://ircalbayog.com/wp-content/uploads/2023/09/melvin-campong-1.jpg)
Agad namang humingi ng tulong ang estudyante sa kanyang guro na dinala naman sa ospital para malapatan ng medikal na lunas.
Samantala, sa follow-up na imbistigasyon napag alaman na ang suspek ay helper ng nasabing may ari ng bahay at kinumpirma naman ng biktima matapos maipakita ng otoridad ang larawan ng suspek.
Naaresto at kinilala ang suspek na si MELVIN CAMPONG, helper, (27) dalawamput pitong taong gulang at residente ng Brgy. Mabuhay, Almagro, Samar. Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Calbayog CPS para sa tamang disposisyon at patuloy ang imbistigasyon sa motibo ng insidente.