INIHANDA na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas libu-libong Family Food Packs (FFPs) na ipapamahagi sa mga bayan sa lungsod.
Ang 50,000 FFPs ay bilang paghahanda sa posibleng epekto ng La Niña phenomenon at iba pang mga emergency na maaring tumama sa rehiyon.
ALSO READ:
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Ito ay estratehiya ng ahensya upang mabilis na matugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan sa oras ng sakuna.
Sa kasalukuyan, aabot sa 100,000 ang kabuuang bilang ng family food packs ang para sa stockpile sa ibat-ibang preposition sites sa rehiyon.
