22 April 2025
Calbayog City
National

AFP, kinumpirma na isang sundalo ang matinding nasugatan sa banggaan ng barko ng Pilipinas at China

KINUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isang miyembro  ng Philippine Navy ang nagtamo  ng severe injury sa banggaan ng isang Chinese Chip at isang  Filipino Vessel  na nagsasagawa ng rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief,  Colonel Xerxes Trinidad, ang nasugatang  sundalo ay ligtas na nailikas at agad nalapatan ng lunas.

Sinabi ni Trinidad na hindi katanggap-tanggap ang patuloy na agresibong hakbang at unprofessional  conduct ng China Coast Guard sa lehitimong humanitarian mission.

Inilarawan din ng AFP Official ang insidente bilang “Intentional High-Speed Ramming” ng CCG sa ibang barko.

Idinagdag ni Trinidad na dapat iwasan ng China na palalain pa ang tensyon sa West Philippine Sea.

Ayon sa source, pitong sundalo ang nasugatan sa insidente,  kabilang ang isang naputulan ng daliri.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *