INALIS sa pwesto ang limang pulis na sangkot sa pagnanakaw ng 14 million pesos na cash mula sa isang bahay sa Porac, Pampanga.
Sa CCTV footage, sinalakay ng limang armadong kalalakihan ang isang bahay sa Barangay Santa Cruz noong Nov. 25 ng gabi.
ALSO READ:
Tinutukan ng mga suspek ang mga residente at ikinulong sa comfort room, saka mabilis na tumakas matapos tangayin ang milyon-milyong pisong halaga ng cash.
Lumitaw sa imbestigasyon na mga suspek ay kinabibilangan ng apat na pulis na naka-assign sa Angeles City at isa pa na mula sa Zambales Provincial Police Office.
Inihayag ng Police Regional Office 3 na isang Special Investigation Task Group ang binuo rin para mag-imbestiga sa kaso.




