LIMA katao ang patay, kabilang ang isang bata, habang mahigit dalawandaang iba pa nasugatan, matapos araruhin ng sasakyan ang mga tao sa isang Christmas Market sa Magdeburg City sa Germany.
Sa kanyang pagbisita sa pinangyarihan ng krimen, sinabi ni Reiner Haseloff, Prime Minister ng Saxony-Anhalt State, na hindi kapani-paniwala ang nangyayari sa Germany.
ALSO READ:
18 anyos na babae na may mental health issues, salarin sa mass shooting sa paaralan sa Canada
Lalaki sa Thailand, sinentensyahan ng hanggang 50 years na pagkabilanggo dahil sa pang-iinsulto sa hari
Royal Palace sa Britain, handang tumulong sa mga otoridad hinggil sa koneksyon ni Former Prince Andrew kay Jeffrey Epstein
14, patay sa pagguho ng gusali sa Tripoli City sa Lebanon
Ayon sa German Authorities, naaresto ang suspek na singkwenta anyos na lalaki mula sa Saudi Arabia na naninirahan sa Germany simula 2006 at nag-trabaho bilang Doktor sa kalapit na bayan.
Naniniwala naman ang mga awtoridad na mag-isa lamang na ginawa ng suspek ang krimen at wala pang inilalabas na anumang impormasyon tungkol sa posibleng motibo sa naturang pag-atake.
