NASA 5,670 Automated Counting Machines (ACMs) ang isinailalim sa final testing and sealing sa Eastern Visayas kahapon para sa nalalapit na national at local elections.
Ayon kay COMELEC 8 Legal Officer Ma. Krishna Athena Elardo, sinalang sa pagsusuri ang lahat ng ACMs sa bawat presinto ng electoral board members na magdu-duty sa May 12.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Sa isinagawang final testing at sealing, sinuri ng electoral board members kung nagbibilang ng tama ang makina, kung nababasa ang balota, at kung tugma ang bilang ng mga boto sa manual count ng mga balota.
Batay sa datos ng COMELEC, mayroong 2,259,554 registered voters sa anim na probinsya sa rehiyon.
