18 May 2025
Calbayog City
Local

48 gun ban violators, inaresto ng Police Regional Office 8

AABOT sa apatnapu’t walong indbidwal na lumabag sa gun ban para sa May 12 midterm elections ang inaresto ng Police Regional Office sa Eastern Visayas (PRO-8).

Ayon kay PRO-8 Regional Director, Brig. Gen. Jay Cumigad, ang pag-aresto ay nangyari mula Jan. 12, kung kailan inumpisahang ipatupad ang gun ban, hanggang May 5.

Mula sa 48 na dinakip, 25 ang sibiliyan, dalawa ang security guards, at isa ang sundalo.

Nakumpiska naman sa checkpoints ang 43 small firearms, anim na replicas, dalawang pampasabog, at 246 rounds of ammunition.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).