Nagpatupad ng forced evacuation sa ilang mga residente sa Sitio Canduang, Barangay Damolog, Sogod, Cebu matapos na makaranas ng landslide sa lugar.
Ayon sa Sogod LGU, wala namang nasaktan sa insidente at hindi rin naapektuhan ang mga bahay malapit sa pinangyarihan ng pagguho ng lupa.
Gayunman, inilikas na ang mga residente sa dalawang bahay na malapit sa landslide para masiguro ang kanilang kaligtasan. Nakaranas ng pag-ulan sa Sogod umaga ng Biyernes, November 14.




