ININSPEKSYON ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang bagong pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology sa Quezon City.
Ang Bagong Quezon City Jail ay mayroong walumpung (80) Dormitories at kayang mag-accommodate ng hanggang 800 katao at bawat Detention Cell ay mayroong limang Bunk Beds, Toilet, Shower at lababo.
DPWH Office sa Quezon City, nasunog! Insidente, pinasisilip sa NBI
Klase sa mga pampublikong paaralan, sinuspinde ng DepEd mula Oct. 27 hanggang 30
Tarlac congressman, asawang vice mayor at DPWH engineer, sinampahan ng Plunder at Graft Complaints sa Ombudsman
Hearing ng ICI sa Flood Control Scandal, mapapanood na sa Livestream simula sa susunod na Linggo
Ayon kay Remulla, sakaling may mahatulan ang Sandiganbayan sa mga taong sangkot sa Flood Control Scandal ay handa ang bagong pasilidad para sa mga mabibilanggo.
Nilinaw ni Remulla ng ang korte ang nagpapasya kung saang pasilidad dadalhin ang mga nahahatulang Guilty sa kaso.
Pero dahil ang mga reklamo kaugnay sa Flood Control Scandal ay nasa Office of the Ombudsman, at ang kaso ay isasampa sa Sandiganbayan, ang naturang Korte ng siyang maglalabas ng hatol laban sa mga sangkot.
Sa ngayon ayon kay Remulla ang New Quezon City Jail ang pinakamalapit sa Sandiganbayan na BJMP Facility.