KUNTENTO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa maanomalyang Flood Control Projects.
Pahayag ito ng Malakanyang, sa kabila ng paghimok ng grupo ng mga negosyante na dagdagan pa ang Legal Authority ng komisyon para magampanan ng mabuti ang kanilang tungkulin.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Nitong Weekend ay nasa tatlumpung business groups ang nanawagan kay Pangulong Marcos na palakasin ang Legal na kapangyarihan ng ICI na inatasang imbestigahan ang mga iregularidad sa Infrastructure Projects ng pamahalaan sa nakalipas na sampung taon.
Nais din ng grupo na resolbahin ng administrasyon, nang walang Delay, ang makasaysayan, talamak, at Unprecedented Corruption Scandal sa Flood Control at Infrastructure Projects.
Depensa naman ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, mabilis na inaaksyunan ng administrasyon ang isyu ng katiwalian, simula sa “Sumbong sa Pangulo” Website at paglikha ng ICI sa pamamagitan ng Executive Order 94.
Binigyang diin ni Castro na Frozen na rin ang Assets at nag-isyu na ng Immigration Lookout Bulletin Orders laban sa mga sangkot sa mga maanomalyang proyekto.
