MANANATILI si Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) kahit mapatunayan ng Medical Experts na siya ay Unfit for Trial para sa kasong Crime Against Humanity.
Sa Facebook post, sinabi ni ICC Assistant to Counsel, Atty. Kristina Conti, na kung makumbinsi ang ICC judges na Unfit for Trial ang dating pangulo, ang kaso nito ay ma-a-adjourn, subalit hindi Dismissed.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Aniya, sasailalim pa rin sa kustodiya ng ICC si Duterte at ang kaso nito ay rerebyuhin kada apat na buwan.
Una nang ipinag-utos ng Pre-Trial Chamber ng ICC ang Medical Examination sa dating chief executive upang matukoy ang kanyang kakayahan na lumahok sa Pre-Trial Proceedings, kabilang na ang Confirmation of Charges.
Ang Medical Panel ay binubuo ng Forensic psychiatrist, neuropsychologist, at geriatric and Behavioral neurologist.
Inihayag ni Conti na kailangang isumite ng Medical Panel ang kanilang Confidential Report sa Oct. 31, 2025.
