PATAY ang isang Construction worker habang tatlong iba pa ang nasugatan matapos mag-collapse ang Elevator Core Wall sa isang Construction Site sa Bonifacio Global City sa Taguig City.
Sa Report ng National Capital Region Police Office (NCRPO), batay sa salaysay ng isang engineer, naglalagay sila ng Rebars nang biglang bumagsak ang Elevator Core Wall at tinamaan ang apat na trabahador na nasa Basement 2 ng Site.
Agad dinala ang mga biktima sa St. Luke’s Medical Center ng Company Nurse at staff.
Ayon sa pulisya, isa sa mga Construction worker na kinilala lamang sa pangalang “Alvin,” trenta’y nueve anyos ang binawian ng buhay sa naturang insidente.




