TINUKOY ng mga eksperto ang ilang Geological Sites sa Northern Samar, kasunod ng pagkilala sa Biri Rocks bilang pinakabagong National Geological Monument (NGM) sa Pilipinas.
Ayon sa Northern Samar Provincial Government, ang Additional Geosites ay nakakalat sa labing isang bayan sa lalawigan.
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Illegal quarry materials, nasabat sa Brgy. Anislag, Calbayog City, Samar
Mahigit 600 silid-aralan, sinira ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas – DepEd
Sinabi ng Provincial Government na ang mga Site na mayaman sa Geological and Ecological Value, ay ikinu-konsidera ngayon bilang Potential Additions sa listahan ng Geological Monuments sa bansa.
Kabilang sa Potential Geological Gems ang Pinusilan Lagoon at Naputad Rock sa Mapanas; Mampugay Falls, Sleeping Lion, at Rakit-Dakit 2.0 sa Palapag; Malobaroc Beach at Mombon Sandbar sa Mondragon; Lulugayan Falls sa Bobon; Macaningning Islets; at Baitan Cave and Rocks sa Laoang.
Kinilala bilang pinakabagong NGM noong June 2025, ang Biri Rocks sa Northern Samar ay binubuo ng pitong Rock Islets na may Unique Geological Feature.
