17 January 2026
Calbayog City
Local

Kaso ng dengue sa Eastern Visayas, bumaba

HINDI tulad sa ibang rehiyon sa bansa, bumaba ang kaso ng dengue sa Eastern Visayas sa unang isa’t kalahating buwan ng taon.

Simula Jan. 1 hanggang Feb. 15, 2025, bumagsak sa 812 ang dengue cases sa rehiyon mula sa 1,141 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Jelyn Malibago, Regional Information Officer ng DOH-Eastern Visayas, na maiuugnay ang pagbaba ng kaso sa sustained implementation ng dengue prevention measures.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).