NAGLAAN ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng 2.5 million pesos para sa Oplan Kontra Baha Program sa Metro Manila.
Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na gagamitin ang pondo para sa naturang programa sa susunod na siyam na buwan.
ALSO READ:
Aniya, kailangang pondohan nila ito ng seryosohan kaysa mapunta saan-saan at nakawin lang ang pera.
Inihayag ng kalihim na saklaw ng programa ang isandaan at dalawampung mga estero, mga daluyan ng tubig, at ilog sa Greater Metro Manila Area.
Noong Miyerkules ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sabayang paglulunsad ng Greater Metro Manila Waterways Clearing and Cleaning Operations.




