MAHIGIT 1.8 million pesos na umano’y iligal na mantika ang kinumpiska ng mga awtoridad sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.
Ayon sa PNP, arestado ang isang lalaking suspek na empleyado ng isang pribadong korporasyon.
ALSO READ:
Nasakote ito sa Barangay Sta. Rita dahil sa umano’y pagbebenta ng unregistered cooking oil, na labag sa Food and Drug Administration Act of 2009.
Nasamsam ng mga awtoridad ang 43 packages na naglalaman ng 2,615 bottles ng unregistered cooking oil.




