Nagbalik sa boxing ring ang Pambansang Kamao na si Manny “Pac-Man” Pacquiao matapos ang mahigit apat na taong pahinga, laban sa mas batang si Mario “El Azteca” Barrios para sa WBC welterweight championship sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas ngayong araw. Natapos ang laban sa tabla o majority draw, bagay na ikinabigla ng maraming tagahanga.
Isang judge ang nagbigay ng 115–113 points pabor kay Barrios, habang dalawa ang nagtala ng tabla sa 114–114. Para sa maraming nanood at boxing analysts, panalo si Pacquiao dahil sa kanyang agresibong istilo at malinis na suntok lalo na sa gitnang bahagi ng laban. Tinawag pa ng iba na “daya” ang naging desisyon at umani ito ng batikos mula sa fans sa buong mundo.
Carlos Alcaraz, wagi sa ika-2 pagkakataon sa US Open matapos padapain sa Finals si Jannik Sinner
Alex Eala, kauna-unahang Pinoy na nagwagi ng WTA 125 Title
Gilas Pilipinas Youth, binigo ng bahrain; hindi makapaglalaro sa FIBA U16 Asia Cup Quarterfinals sa unang pagkakataon
Alex Eala, pinadapa si Arianne Hartono sa pagsisimula ng kampanya sa Guadalajara 125
Sa kabila ng edad na 46, pinatunayan ni Pacquiao na kaya pa niyang sumabay sa mas batang kampeon. Tumama siya ng mas malilinis na suntok at hindi nagpatinag hanggang sa huling round. Si Barrios naman ay umamin na hirap siyang basahin ang galaw at timing ng beteranong boksingero.
Pareho nilang sinabi na bukas sila sa isang rematch, bagay na tiyak na aabangan ng buong mundo. Sa kabila ng tabla, pinatunayan ni Pacquiao na ang kanyang tapang at determinasyon ay nananatiling buhay at inspirasyon sa milyon-milyong Pilipino.