20 June 2025
Calbayog City
Business

40 billion pesos na budget, hiniling ng DA at NFA para sa Disaster Response at Rice Subsidy sa 2026

HUMIHIRIT ang Department of Agriculture (DA) at ang National Food Authority (NFA) ng 40 billion pesos para sa 2026 budget, upang suportahan ang Disaster Response at pagbebenta ng Subsidized Rice ng gobyerno.

Inihayag ni NFA Administrator Larry Lacson na ang proposed budget na 27 billion pesos para sa susunod na taon ay para sa Procurement ng karagdagang palay para sa Buffer Stocking. 

Sakaling maaprubahan ang hirit na budget, mas mataas ito ng 200 percent kumpara sa alokasyon na 9 billion pesos ngayong 2025.

Sa bahagi naman ng DA, humihiling ito ng 15 billion pesos na budget para sa 2026, na mas mataas din kumpara sa 5-billion peso allotment ngayong taon, upang ma-sustain ang 20 Pesos per Kilo Rice Program na unang inilunsad sa Cebu ngayong Mayo.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).