PATAY ang isang mag-asawa matapos pagbabarilin sa labas ng isang Jewish Museum sa Washington DC.
Ang mga biktima na kinilalang sina Yaron Lischinsky at Sarah Lyn Milgrim, kapwa nagta-trabaho sa Israeli Embassy, ay pinaslang sa labas ng Capital Jewish Museum.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang trenta anyos na si Elias Rodriguez mula sa Chicago, na umano’y gunman.
Ayon sa Federal Bureau of Investigation (FBI), posibleng may kinalaman sa terorismo o Bias-Based Crime o Hate Crime ang motibo sa krimen.