ITINANGHAL si Shai Gilgoeus-Alexander ng Oklahoma City Thunder bilang Most Valuable Player ng NBA para sa 2024-2025 Season.
Naungusan ng Canadian-born player si Nikola Jokic ng Denver Nuggets para sa titulo, na ang ikinu-konsidera lamang ay ang performance sa Regular Season.
ALSO READ:
Pinay Tennis Sensation Alex Eala, nagbabala laban sa disinformation, fake news
Lebron James, Stephen Curry, at Kevin Durant, muling nagsama-sama sa NBA All-Star lineup
World class multi-sports hub itatayo sa New Clark City
Lebron James, napiling maglaro para sa kanyang 22nd consecutive NBA All-Star game
Nanalo si Gilgeous-Alexander sa botong 71-29 kontra sa Serbian Cager, na tatlong beses nang nakatanggap ng MVP award.
Noong nakaraang taon ay pumangalawa lamang kay Jokic si Gilgeous-Alexander, na gumawa ng halos 52 percent mula sa field at pinangunahan ang Thunder na maabot ang best record sa liga.
