APAT ang patay habang tatlong iba pa ang nasugatan nang sumalpok ang kanilang sasakyan sa cement mixer truck sa Dumaguete City sa Negros Oriental.
Ayon sa Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO), ang mga casualties na lulan ng Toyota Avanza ay pawang mula sa Luzon.
Manay, Davao Oriental, niyanig ng Magnitude 5.1 na lindol
Retrieval sa mga labi ng 6 na crew ng Air Force chopper sa Agusan Del Sur, natapos na
Helicopter ng Philippine Air Force, bumagsak sa Agusan Del Sur
Manjuyod at Bais City sa Negros Oriental, isinailalim sa State of Calamity bunsod ng Wastewater Spill
Lumitaw sa pagsisiyasat na tinatahak ng avanza ang southbound nang sumalpok ito sa truck na galing sa kabilang direksyon, sa pakurbadang bahagi ng diversion road sa Barangay Batinguel.
Dead-on-the-spot ang apat habang, ang tatlong iba pa na edad kinse, disi syete, at Dis Nueve ay dinala sa Silliman University Medical Center.
Arestado naman ang kwarenta’y tres anyos na truck driver na mula sa Barangay tinago sa nabanggit na lungsod, at nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and multiple physical injuries.
