7 February 2025
Calbayog City
Overseas

Mga muslim na nasawi sa Hajj sa Saudi Arabia, umakyat na sa mahigit isanlibo

UMABOT na sa mahigit isanlibo katao ang nasawi sa Hajj Pilgrimage sa Saudi Arabia ngayong taon, sa gitna ng matinding init sa Holy Sites sa Desert Kingdom.

Mahigit kalahati ng bilang ng mga nasawi ay mula sa Egypt, ayon sa dalawang opisyal mula sa Cairo, kung saan sinabi ng mga otoridad na binawi nila ang lisensya ng labing anim na travel agencies na tumulong sa mga hindi otorisadong pligrims na bumiyahe patungong Saudi.

Inanunsyo ng Egyptian ang pagkamatay ng tatlumpu’t isang authorized pilgrims bunsod ng chronic diseases sa Hajj ngayong taon, subalit wala pang inilalabas na official tally para sa iba pang pilgrims.

Hindi pa rin nagko-komento ang Saudi Arabia tungkol sa mga nasawi sa pilgrimage na obligadong pagdaanan ng mga muslim nang isang beses habang sila ay nabubuhay.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *