HINDI bababa sa apat ang nasawi sa pamamaril sa isang family gathering sa California.
Ayon sa mga awtoridad, sampung iba pa ang nasugatan sa insidente, sa isang restaurant, sa Stockton City.
Kabilang umano sa nasawi ay mga bata habang hindi pa malinaw ang kondisyon ng mga nasugatan.
Nakatakas naman ang suspek habang naniniwala ang mga pulis na “targeted” ang pamamaril.




