LIMANG miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Leyte at Samar ang sumuko, mahigit isang buwan matapos ilunsad ng 802nd Infantry Brigade ng Philippine Army ang “Wish Upon a Star” Project.
Layunin ng proyekto na iparating ng mga pamilya, kamag-anak, at mahal sa buhay ang kanilang mga kahilingan ngayong pasko sa mga aktibong rebelde.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Sinabi ni Brig. Gen. Noel Vestuir, Commander ng 802nd Infantry Brigade, na natuklasan nilang epektibo ang naturang Anti-insurgency Campaign ng pamahalaan.
Ang mga sumuko ay kinabibilangan nina Guillerma Alvero alyas “Majay” at Ferning Canhatan alyas “Dods” na kapwa mula sa mahaplag, Leyte; Jemilyn Malinao alyas “Mitch” mula sa Kananga, Leyte; Realyn Basada alyas “Lorry” mula sa Hinabangan, Samar; at Ruben Magcoro Alyas “Ara” mula sa Pinabacdao, Samar.
Nanawagan naman ang mga dating miyembro ng NPA sa iba pang mga rebelde na piliing makasamang muli nang ligtas ang kani-kanilang mga pamilya ngayong pasko.
