HINDI muli humarap si Vice President Sara Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) upang ipaliwanag ang kanya umanong banta laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa halip, ang kanyang abogado ang dumating sa NBI Headquarters, at kinumpirmang hindi nga makadadalo sa imbestigasyon ang pangalawang pangulo.
Una nang inihayag ni VP Sara na base sa pagkakaintindi niya sa paliwanag ng kanyang mga abogado ay maaring hindi siya pumunta sa imbestigasyon ng NBI, at magsumite na lamang ng sulat o affidavit.
Pangalawa aniyang dahilan ay mayroong thanksgiving activities ang Office of the Vice President (OVP) kahapon at pauwi rin siya sa Davao City Para sa libing ng kanyang tiyuhin.
Una nang pinadadalo si VP Duterte noong Nov. 29 subalit humiling ito na ipagpaliban ang imbestigasyon ng NBI dahil sa hearing sa kamara na kailangan niyang daluhan para suportahan ang kanyang mga tauhan sa OVP.