MAY alok na libreng sakay ang Department of Transportation (DORT) para sa mga pasahero ng LRT Lines 1 and 2 at MRT 3, simula sa Dec. 14 hanggang 25.
Inanunsyo ng DOTr ang labindalawang araw na libreng sakay hanggang sa araw ng pasko, sa isang post sa kanilang Facebook page.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ang mga commuter ng ligtas, komportable, at maayos na biyahe sa holidays.
Kabilang sa mga makikinabang sa libreng sakay ay mga senior citizen sa Dec. 14; mga estudyante sa Dec. 15; Overseas Filipino Workers at kanilang mga pamilya sa Dec. 16; teachers at health workers sa Dec. 17; Persons with Disabilities (PWDs) at male passengers sa Dec. 18; Government employees sa Dec. 19; female passengers sa Dec. 20; mga pamilya na kahit ilan ang miyembro sa Dec. 21; solo parents at mga miyembro ng LGBTQIA+ Community sa Dec. 22; private sector employees at house helpers sa Dec. 23; uniformed personnel, veterans, at kanilang pamilya sa Dec. 24; at lahat ng commuters sa Dec. 25.




